TNT Boys gustong mag-audition sa 'Darna' movie

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 08:26 PM | Updated as of Apr 10 2019 08:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Habang abala ang lahat sa paghula kung sino ang susunod na Darna, gusto naman ng mga miyembro ng singing trio na TNT Boys na mag-audition bilang Ding, ang kapatid ng Pinay superhero.

Ayon kina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion, game silang umarte sa big screen at mag-audition bilang Ding sa "Darna" movie.

"Puwede pong maging tatlo ang 'Ding' na magkakaibigan," ani Empuerto.

"Direk, pasali naman po kami sa 'Darna,'" sabi pa ni Sanchez, na tila kinakausap ang direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog.

Pero habang hinihintay ang go-signal para mag-audition, tututukan muna ng TNT Boys ang kanilang concert tour sa North America, at pag-promote ng orihinal na kantang "Together We Fly." --Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.