Jennie Gabriel ng 'TNT,' nagbigay pugay sa OPM divas

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 11:28 AM | Updated as of Apr 10 2019 11:29 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagpakitang gilas muli sa pagbirit ang dating "Tawag ng Tanghalan" champion na si Jennie Gabriel sa pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles.

Kamakailan lang ay nag-viral ang video ni Jennie kung saan ginagaya niya ang mga sikat na mang-aawit sa bansa.

Sa "UKG," muling ipinamalas ni Jennie ang kanyang galing hindi lang sa pagbirit kung hindi sa pangagaya.

Ilan sa mga ginayang boses ni Jennie habang inaawit ang "Ikaw Lang Ang Mamahalin" ay sina Sitti, Vina Morales, Jessa Zaragoza, Zsa Zsa Padilla, Jaya, Regine Velasquez, Sharon Cuneta at Lani Misalucha.

Isang comedy bar singer si Jennie na kilala rin sa panggagaya niya sa aktres na si Angel Locsin na bida ng "The General's Daughter."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.