Gretchen Ho, kasali sa pelikulang 'Stranded' nina Jessy at Arjo

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isa na ring artista ang host na si Gretchen Ho.

Kabilang si Ho sa cast ng pelikulang "Stranded" na binagbibidahan nina Arjo Atayde at Jessy Mendiola.

Sa pelikula, gaganap si Ho bilang isang weather reporter.

Ang proyekto ay kuwento ng dalawang tao na nai-stranded sa isang warehouse dahil sa bagyo.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, inimbitahan ni Ho ang mga manonood na suportahan ang nasabing pelikula na ipapalabas na sa mga sinehan sa Abril 10.