Concert nina Ogie, Piolo at Morissette sa Dubai dinumog

Randy Lamsen, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 12:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DUBAI -- OPM overload ang hatid na musical entertainment nina Ogie Alcasid, Piolo Pascual at Morissette Amon sa jampacked na World Trade Center sa Dubai noong weekend.

Sa pagsisimula ng tag-init sa Dubai, kasing-init din ang pagsalubong ng mga OFW fans sa ating mga Kapamilya artists. 

Pang pitong beses na performance na ito ng tinaguriang Asia's Phoenix na si Morissette sa UAE. 

Muli niyang ipinamalas ang kanyang husay hindi lang sa trademark niyang birit at sipol, kundi nagpakita rin siya ng versatility sa pagsayaw.

Umugong naman sa tiliian at hiyawan ang mga fans nang nag-perform na si Piolo. Literal na dinumog at halos sunggaban na ng mga fans nang bumaba mula sa stage ang aktor.

"It's always a good feeling to perform live to our kababayans, specially here sa Middle East because maraming naho-home sick, maraming excited makakita ng Pinoy performers. So I think it's bringing, for them to feel even for a short time na para silang nasa Pinas," ani Piolo.

Ito naman ang unang beses ni Ogie na mag-perform dito bilang isang Kapamilya artist. Bukod sa pagkanta, ipinamalas din niya ang kanyang pagiging mahusay na komedyante.

"Siympre it’s an honor, a blessing. Kasama ko pa si PJ, si Mori na ngayon ko lang nalaman kasi Ogie, Piolo at Morissette (OPM). But it's always exciting to perform here in Dubai,” ani Ogie.

After party na ang datingan sa finale medley songs nina Ogie, Piolo at Morissette. Sulit pa ang kasiyahan ng mga nanood.

Ang concert na ito ay hatid ng TFC Middle East.