Aiko Melendez, parte na ng seryeng 'Bagani'

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 01:06 PM

MANILA -- Matapos ang "Wildflower," magiging bahagi na ng sikat na seryeng "Bagani" si Aiko Melendez.

Sa Instagram nitong Linggo, inilabas ni Aiko ang kanyang retrato bilang si Matadora.

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Maliban kay Aiko, papasok rin simula ngayong Lunes ang karakter na gagampanan naman ni Thou Reyes. 

"Kasama ko ang isa sa mga tulisan ng kaharian ko sa dagat... Handa na kami para sa sagupaan!" ani Aiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.