Raymart Santiago, kasama na sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2019 12:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA --- Kasama na sa cast ng "FPJ's Ang Probinsyano" si Raymart Santiago.

Ipinakilala ang karakter ni Raymart sa episode ng teleserye bilang si Police Major Victor Basco.

Sa Instagram ni Raymart, nag-post na rin siya ng kanyang retrato na may caption na "reporting for duty."

Labis na ikinatuwa ng fans ang pagpasok ni Raymart sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Aabangan ng mga manonood kung kakampi ba o isang kalaban ni Cardo Dalisay ang karakter ni Raymart.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.