MANILA -- Aminado si Kris Aquino na may isyu siya pagdating sa paglalaro ng kanyang bunsong anak na si Bimby ng basketball.
Sa post niya sa Instagram, nagbahagi si Kris tungkol sa naging usapan nila ni Bimby tungkol sa basketball. Nasa Japan ngayon ang mag-iina at nagbabakasyon.
“He asked me tonight... if it was okay that he was naturally good in basketball? WHOA. Poor him to feel I'd feel bad about something he was good at," ani Kris.
Kuwento ni Kris, nagpunta ang anak sa isang amusement center sa Tokyo at, ayon kay Bimby nag-enjoy siya sa badminton, sharp shooting, boxing at basketball. "He was able to make a half court shot in basketball," aniya.
Dagdag ni Kris: "I promised him when we get home, he can choose all the sports he likes and he can immediately enroll in boxing and badminton but I think the firing range will have to wait until he’s 18. About basketball, it’s a team sport, so medyo mahirap apurahin and this is one instance where sensitivities have to be taken into careful consideration. I couldn’t be happier that my 2 are experiencing so much & being regular kids during this trip."
Sa comment section naging mas malinaw ang paliwanag ni Kris tungkol sa isyu niya sa paglalaro ng basketball ni Bimby na anak niya sa sikat na PBA player na si James Yap.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.