PatrolPH

Madam Inutz, kinilig dahil kay Piolo Pascual

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2022 02:59 PM

MANILA -- Hindi maitago ng dating celebrity housemate ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" na si Daisy "Madam Inutz" Lopez ang kilig dahil sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, kinilig si Madam Inutz habang nagkukuwento tungkol kay Pascual na bida ng sitcom na "My Papa Pi."

Isa si Inutz sa mga kasamahang artista ni Pascual sa nasabing programa ng ABS-CBN kung saan bida rin sina Pepe Herrera at Pia Wurtzbach. 

Watch more News on iWantTFC

"Grabe ang guwapo at saka sobrang bait ni Papa Pi. Maalaga sa lahat ng cast. Ang bango!" ani Madam Inutz.

"At saka nakakatuwa siya kasi hindi mo mapi-feel na bago ka kasi kakaibiganin ka niya talaga. Kapag script reading, talagang aakbayan ka niya, tapos sasabihin niya, tropa tayo, huwag kang mahiya. Talagang nakatulong po ng malaki sa akin," dagdag ni Madam Inutz.

Sa "My Papa Pi," ginagampanan ni Madam Inutz ang karakter na si Madam Bebe, resident live seller sa barangay Mapag-Asa. 
 
Mapapanood ang "My Papa Pi" tuwing Sabado ng gabi.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.