VIRAL: Larawan ni Luis Manzano na umiiyak sa kasal, kinaaliwan ng netizens

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 11:48 PM | Updated as of Apr 09 2021 10:04 PM

Galing sa Instagram at Facebook account ni Luis Manzano

Hindi nakalusot sa mga netizen ang retrato ng host na si Luis Manzano na umiiyak sa kaniyang kasal sa aktres na si Jessy Mendiola. 

Samu’t saring memes ang naisip ng mga netizen sa nasabing larawan ni Manzano kaya naman hindi na ito pinalagpas ng “Your Face Sounds Familiar” host upang mas makakita pa ng maraming nakakatawang hirit. 

Sa kaniyang mismong Facebook page, si Manzano mismo ang nanghingi sa mga social media users ng kani-kaniyang meme sa nasabing pag-iyak. 

Ilan sa mga netizen ay inihalintulad ang reaksyon ni Manzano sa pagpipigil na mapunta sa banyo. 

Maniniwala ka rin ba na hindi lahat ng aso mabait tulad ng isang komentong ito?

Hindi rin mawawala ang classic Pinoy hugot sa mga memes. 

Naidugtong din ng ilang nag-comment ang mainit na isyu tungkol sa food delivery at curfew ngayong ECQ. 

Maiiyak na lang din kagaya ng host ang mga taong makakatanggap ng apat na sardinas na dapat sana ay P4,000 ayuda. 

Sakto rin aniya ang pag-iyak ni Manzano para sa mga nangangarap ngunit tamad. 

Sinamantala rin ng ilang estudyante na ikonekta sa kanilang gawain sa eskwelahan ang pag-iyak ni Manzano

Nandiyan din ang mga sitwasyon kung saan mapapaiyak ka dahil sa nanay mo. 

Naisap naman ng isang netizen ang magiging itsura ng ikinakasal kapag sobra na ang bisita. 

At ang pinakamasakit sa lahat para mismo kay Manzano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

At higit sa lahat, natumbok ng netizen ang isa sa mga nangyari sa kasal ni Manzano kay Mendiola. 

Nito lamang Linggo, inilabas ni Mendiola ang video ng kanilang pag-iisang dibdib ni Manzano sa Batangas.

Watch more in iWantTFC