Melai, nakatanggap ng sorpresa mula sa kanyang idolong si Kristine Hermosa

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 11:34 AM

MAYNILA —Isang sorpresa ang natanggap ni Melai Cantiveros mula sa kanyang idolo na si Kristine Hermosa para sa kanyang kaarawan nitong Lunes.

Sa Instagram, ibinahagi ni Melai ang video message na natanggap niya mula kay Kristine.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

“Hindi man tayo matagal na nagkasama sa industriya but I know that you are a good person, a good mother to your children and a good wife. Ang prayer ko ngayong birthday mo is that patibayin ni Lord ang inyong pagsasama at ikaw bilang ina. That God will also give you guys wisdom and grace and patience sa pagpapalaki ng mga anak niyo. Hindi madali but, of course, with God’s grace kaya natin ito. So I just pray that you will enjoy your day and, of course, let’s continue praying for the whole world na matatapos din ito. Mabait si God. Enjoy your day and happy birthday. God bless you and hi to your family,” mensahe ni Kristine kay Melai.

Sa caption ng kanyang post, ipinahayag ni Melai ang kasiyahan na makatanggap ng mensahe mula sa kanyang hinahangaang aktres.

“Ito ang best birthday ever kasi ever since idol ko from the start na sobra is Ms. Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Isa din sa dahilan bakit gusto ko mag-artista kasi gusto ko (sila) makita. Indeed dreams do come true... Thank you so much Ms. Kristine Hermosa sa iyung message. I love it. I will always treasure this video greetings forever,” ani Melai.