PatrolPH

John Prats, nag-aalala para sa buntis na asawang si Isabel Oli

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 03:57 PM | Updated as of Apr 07 2020 04:10 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Isabel Oli-Prats 蘇 心 心 (@isabeloliprats) on

MAYNILA — Dasal ng aktor at direktor na si John Prats na matapos na ang krisis dala ng coronavirus disease (COVID-19).

Aminado ang aktor sa pag-aalala niya sa kanyang pamilya lalo’t buntis ngayon ang kanyang misis na si Isabel Oli sa pangatlo nilang anak.

“Sana matapos na ito, sana maging okay na lahat kasi si Liv, she’s pregnant eh magdu-due na siya on July,” ani John sa “Lunch with the Stars Live!" sa Facebook nitong Martes kung saan nakasama niya rin ang kapwa niya Cornerstone artists na sina Yeng Constantino at Erik Santos.

“Siyempre ‘yung fear naming mag-asawa na what if, sana huwag naman umabot sa oras na 'yon. Siyempre ang hospital ngayon hindi siya ganoon ka-safe... kumbaga takot ka na, praning ka na na baka kapag pumunta ka sa ospital makakuha ka ng ganitong sakit, 'yung virus,” ani John.

“Eh 'yung checkup ni Liv as in lahat. Kapag pregnant ka ang checkup mo ay regular so na-hold lahat yon. Sinabi ng OB niya na as long as gumagalaw 'yung baby, wala kang nararamdaman, okay na lang na mag-over the phone na lang tayo. Siyempre si Liv 'yung fear niya lagi na hindi siya sanay na hindi siya chini-check up kasi 'yung assurance niya lagi after check up na okay si baby. Ngayon wala siyang ganoon. So every day, every night ay may fear siya,” ani John.

Pero sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari ngayon, naniniwala si John na mas magandang hanapin ang mga magaganda at positibong bagay.

“Ako nung nag-i-scroll ako sa Facebook isang nakita ko at na-realize ko rin, nakita ko 'yung Manila Bay, sobrang linis. Ewan ko kung nakikita niyo rin 'yung sky natin, clouds natin sobrang clear, parang nagkaroon ng reset sa mundo. So 'yun ang nare-realize ko na sana ay alagaan natin, kasi nakikitira lang tayo rito. As a guest alagaan natin ang environment natin. Baka 'yun din ang sinasabi ng pangyayaring ito for the next generation at sa susunod pang henerasyon,” ani John.

At sa oras na dumating na ang pagtatapos ng lockdown, sinabi ni John na ang pagbibigay oras sa mga mahal niya sa buhay ang pagtutuunan niya ng pansin.

“Siguro sa paglabas ko, gusto ko makasama ang mga mahal ko sa buhay like my family, my friends. Sobrang I can’t wait to hug you all. I can’t wait for the time na okay na ang lahat at mawala na ang virus talaga,” ani John.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.