Kathryn, Daniel bakit 'di mapigilang mahalin ang isa't isa?

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2017 10:39 AM | Updated as of Apr 07 2017 11:09 AM

Muling nagpakilig ang tambalang KathNiel nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa "Magandang Buhay."

Nitong Biyernes,ibinahagi ng dalawa kung ano ang dahilan bakit hindi nila mapigilang mahalin ang isa't isa.

"I can't help falling in love with DJ because he always makes me smile," ani Kathryn na ang tawag kay Daniel ay DJ.

"I can't help falling in love with Kathryn because she makes me happy," ani Daniel.

Bumisita sa "Magandang Buhay" sila Daniel at Kathryn para mag-imbita na panoorin ang kanilang pinakabagong pelikula na "Can't Help Falling In Love" na ipapalabas sa mga sinehan simula April 15.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.