Gerald sumagot na sa 'follow-unfollow' issue nila ni Bea

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 06:34 PM | Updated as of Apr 06 2018 11:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sinagot na ng aktor na si Gerald Anderson ang isyu na nag-break umano sila ni Bea Alonzo.

Fresh mula sa kaniyang Europe trip, reunited nitong Biyernes si Anderson sa kaniyang “My Perfect You” leading lady Pia Wurtzbach at Direk Cathy Garcia-Molina sa special thanksgiving celebration para sa pelikula.

Ito rin ang unang pagkakataon na na-interview ang aktor mula nang pumutok ang balitang hiwalay na sila ni Alonzo.

Noong Marso 22, napabalitang in-unfollow ni Alonzo sina Anderson at Wurtzbach sa Instagram.

Bunsod nito, pumutok ang spekulasyon na hiwalay na sina Alonzo at Anderson, at may kinalaman umano ang 2015 Miss Universe dito.

Pero nitong Linggo, nag-follow muli si Alonzo kay Anderson at dinig din umano ang boses ni Alonzo sa Instagram stories ng aktor. 

“It was a simple misunderstanding. Naayos po namin personally and ‘yun po ‘yung imporante, to move on from this,” sinabi ni Anderson.

Sinalo din ng aktor si Wurtzbach nang tanungin ito sa pag-unfollow sa kaniya ni Alonzo sa Instagram. 

“It was a misunderstanding. ‘Yun na ‘yun. Ang importante, everything is good,” sabi ni Anderson. 

Sunod-sunod din naman ang pag-post sa social media ni Wurtzbach kasama ang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Sa kabila ng mga isyu, masaya sina Anderson at Wurtzbach na tagumpay sa takilya ang "My Perfect You."

Umabot na sa P136 milyon ang kinita ng kanilang pelikula.

--Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.