PANOORIN: Sarah, Yeng, ABS-CBN Philharmonic Orchestra sanib-puwersa sa 'Paraiso'

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2020 02:19 PM | Updated as of Apr 05 2020 05:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsanib-puwersa sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino at ilang miyembro ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pagtatanghal sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo.

Kinanta nina Geronimo at Constantino ang "Paraiso" ng grupong Smokey Mountain habang tumutugtog ang ilang miyembro ng orchestra.

Ang pagtatanghal ay bahagi ng pansamantalang format ng "ASAP," kung saan ni-record ng mga mang-aawit at musikero ang kanilang performance mula sa kanilang mga bahay.

Inilunsad ang bagong format ng "ASAP" matapos ipagbawal ang live shows at isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.