PANOORIN: DJ Loonyo, frontliners bumida sa dance challenge sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2020 02:18 PM | Updated as of Apr 05 2020 03:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hataw sa pagsayaw ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To" ang frontliners na nangunguna sa laban sa COVID-19, kasama ang ilang Kapamilya stars.

Kumasa sa "Frontliners Dance Challenge" sa naturang programa ang ilang health workers, pulis, at empleyado ng mga bangko, botika, at grocery.

Kasama ng frontliners sa pagtatanghal si DJ Loonyo, ang nag-imbento ng sayaw, at sina Iñigo Pascual, Joao Constancia, at Nikko Natividad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.