Mga lolang dating naging 'comfort women', pinarangalan ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2021 08:05 PM

Pinarangalan ng "Iba 'Yan" ang mga lolang naging biktima ng pang-aabuso at pagmamalupit ng mga sundalong Hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kabilang sa mga nakilala ng "Iba 'Yan" sina Lola Fedencia at Lola Narcisa na nagpapatuloy sa kanilang buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring ipinaglalaban ng mga dating comfort women ang paghingi ng hustisya para sa kanilang sinapit.

Binigyan rin ng "Iba 'Yan" ng mga vitamins at supplement, at iba pang mga regalo ang mga lola.

Panoorin ang kanilang kuwento.

Watch more on iWantTFC