PatrolPH

Vilma Santos, tanggap na ang pagpanaw ng inang si Milagros

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2019 11:23 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vilma Santos-Recto (@rosavilmasantosrecto) on

MANILA -- Bukas sa loob na tinanggap ni Vilma Santos ang pagpanaw ng kanyang inang si Milagros Santos o Mama Ganda.

Binawian ng buhay ang ina ni Vilma sa Batangas nitong Abril 1.

Sa panayam ng PEP.ph kay Vilma nitong Miyerkoles, Abril 3, nagbigay ang aktres ng ilang detalye sa naging pagpanaw ng ina.

"OK naman lahat except bumigay na 'yung heart. Siguro, sabi ni Mama, 'OK na. Enough na.' At least, alam ni Mama, nandito kaming lahat. And we did our best," ani Vilma na ibinahaging matagal ng bedridden at labas-pasok sa ospital ang ina nagkaroon ng Alzheimer's disease. 

Tanggap na rin niya sa pagpanaw ng ina, sagot ni Vilma: "Oo naman."

"Tanggapin na natin, 93 na ang mama mo. That we have to accept," aniya. "You know, kahit sinasabihan ka, iba pa rin pag nangyari na. Kahit anong sabihin sa ‘yo, ‘mag-prepare ka na,' hindi ganun kadali when nandoon ka na sa realidad na wala na siya, you know. And iba pa rin. Iba pa rin. 

"Pero ngayon na dumating ang mga kapatid ko, I felt good. Kasi, kumpleto kaming magkakapatid. From the States, kanina lang sila dumating, e. Inabot pa nga nila 'yung blessing kay Mama. Nakakasarap lang ng pakiramdam na may mga karamay ka."

Limang magkakapatid sina Vilma. Mayroon siyang tatlong kapatid na babae at isang kapatid na lalaki.

Matapos ma-cremate ang mga labi ng ina ay nakalagak ang abo nito ngayon sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City.

Sa Biyernes, magmimisa naman si Cardinal Gaudencio Rosales para sa ina ng actress-politician. 
 
Inaasahang sa Sabado, Abril 6, magaganap ang huling misa para sa ina ni Vilma, bago dalhin ang urn na naglalaman ng abo nito sa isang simbahan sa Alabang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.