Mga anak ni Sunshine suportado ang kanyang love life

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2017 12:54 PM

MANILA -- Magkasundo ang mga anak ni Sunshine Cruz at nobyo niyang si Macky Mathay.

Sa panayam ng mag-inang si Sunshine at Angelina sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, inamin ng panganay na anak ni Sunshine na malapit silang magkakapatid kay Macky.

"We're really close po. He's really nice," ani Angelina.

Giit ni Angelina, masaya sila sa bagong kasintahan ng ina.

"He makes my mom happy and if he makes my mom happy that makes me happy as well," ani Angelina.

Nobyembre noong nakaraang taon, nagkakilala ang mga anak ni Sunshine at si Macky, dalawang linggo matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon.

Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara Mina, isa sa malapit na kaibigan ni Sunshine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.