‘Mabuhay ka’: Sharon Cuneta, pinuri si Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2020 11:23 AM

MAYNILA — Pinuri ni Sharon Cuneta si Angel Locsin dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa frontliners sa gitna ng banta ng pandemikong sakit COVID-19.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles ng gabi, binigyang pugay ni Sharon ang malasakit na ipinapakita ni Angel.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

“Mabuhay ka, Angel Locsin sa pagpapatayo mo ng tents para sa ating mga bayaning frontliners na kailangan pa nating lahat na pasalamatan ng 1 million times more than we’ve been thanking them! Taas-noo at lubos na respeto lang ang meron kami para inyong lahat -- ating nurses, nursing assistants, beloved doctors and all medical workers plus lahat ng testers na sinusugal ang buhay ninyo araw-araw para sa mga PUI at mga may sakit na ng COVID-19! Taos-pusong pasasalamat sa inyo. 'Di namin kayo nakakalimutan at makakalimutan habangbuhay!” ani Sharon.

“At salamat kay Ms. Angel Locsin na kahit ano pa ang tumatamang disasters sa bansa natin ay laging nakahandang tumulong! Love you, Sweetie. May God bless you more. Keep safe!” dagdag ni Sharon.

Sa comment section ng post ni Sharon, ipinahatid naman ni Angel ang kanyang pasasalamat.

“Thank you ate and thank you for reaching out to help,” ani Angel.

Isa si Angel sa mga aktibong personalidad na tumutulong sa mga frontliners na nagbibigay serbisyo sa gitna ng panganib dala ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo, sinimulan ni Angel ang pagpapatayo ng mga tent para sa mga health worker. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.