Paulo Avelino, bibida sa bagong pelikula ni Antoinette Jadaone

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2019 11:53 AM | Updated as of Apr 02 2019 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bibida ang aktor na si Paulo Avelino sa bagong pelikula tungkol sa isang fan girl.

Tanong ng isang netizen kay Paulo kung posible nga ba siyang ma-in love sa isang fan.

Sinagot ito ng aktor sa pamamagitan ng pagpapakita ng screen shot ng script ng isang pelikula.

Hinala ng fans ay kasama ang aktor sa bagong proyekto ni direk Antoinette Jadaone na inanunsiyo niya noong Pebrero.

Matatandaang nag-post sa social media ang direktor at sinabing naghahanap siya ng isang bagong leading lady.

Oktubre nang mapili sa 2018 Asian Project Market ang pelikula na iikot sa isang obsess teenage fan at kanyang idolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.