Claudine, inalala ang ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ni Rico Yan

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2019 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ginunita ni Claudine Barretto ang ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ni Rico Yan.

Ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram ang isang throwback photo kasama si Rico habang kumakain sila sa isang Chinese restaurant.

Matatandaang pumanaw ang aktor habang nasa Palawan noong March 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Naging sikat ang love team nina Rico at Claudine nang magsama sila sa mga proyekto tulad ng "Mula Sa Puso," Saan Ka Man Naroroon at "Got 2 Believe" at marami pang iba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.