Pokwang , muling nagpahatid ng tulong sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2020 11:07 AM

MAYNILA — Tumugon muli sa panawagan ng frontliners ang komedyanteng si Pokwang.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pokwang ang video ng mga DIY face shield na ibabahagi sa ospital para magamit ng frontliners.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

“500 pieces protective shield... Nagkakaubusan na. God, sana matapos na po ito,” ani Pokwang.

Ayon kay Pokwang, ipamamahagi sa limang ospital ang face shields.

“Hahatiin po sa limang ospital kasi wala na po ako mabili talaga, kakalungkot,” dagdag ni Pokwang sa comment section ng kanyang post.

Maliban kay Pokwang, nauna na ring gumawa at namahagi ng face shields ang aktres na si Judy Ann Santos.

Si Pokwang ay isa sa mga artistang naunang nagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa frontliners, matapos ideklara ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.