Napahiya si Mokang (Lovi Poe) kay JP (Dino Imperial) dahil sa kalokohan ni Tanggol (Coco Martin) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Marso 29, 2023.
Napahiya si Mokang (Lovi Poe) kay JP (Dino Imperial) dahil sa kalokohan ni Tanggol (Coco Martin) sa pinakahuling episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Miyerkoles.
Matapos mag-practice para sa kanyang sayaw sa debut, dumaan sina Mokang sa balwarte nina Tanggol kaya naman binalaan niya ang kanyang mga kaklase na mag-ingat.
Naghanda naman sina Tanggol ng dumi para ibuhos sa karibal kapag dumaan sina Mokang.
Pagdaan nina JP, agad binuhos nina Tanggol ang dumi at umalis na ang mga ito sa pandidiri.
Initsapwera si Mokang ng kanyang mga kaklase at naghandusay ito sa inis kay Tanggol.
Nagdadalawang isip na si Mokang kung itutuloy pa ba niya ang kanyang debut matapos mapahiya sa mga kaklase.
Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
KAUGNAY NA ULAT:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.