Claudine Barretto, nagsalita sa isyung may utang siya kay Jinkee Pacquiao

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 12:02 PM | Updated as of Mar 29 2019 12:56 PM

Claudine Barretto at Jinkee Pacquiao. Retrato mula sa mga Instagram account na @claubarretto and @jinkeepacquiao

MANILA -- Nilinaw ng aktres na si Claudine Barretto na wala siyang utang kay Jinkee Pacquiao, ang asawa ng boxing champion na si Manny Pacquiao.

Sa Instagram live session ni Claudine, nagsalita ito tungkol sa nasabing isyu. 

"Lately, may lumalabas na may utang daw ako kay Jinkee Pacquiao. At lumalabas din na mayroon kaming business or transaction or trabaho na pinasukan na hindi nag-prosper, parang ganyan, and baun-baon ako sa utang. Sa una hindi mo papansinin, pero kapag hindi na mamatay-matay 'yung tsismis, nakaka-bother na rin. Unang-una, nakakahiya at nada-drag ang pangalan ni Jinkee," ani Claudine.

Dagdag niya: "Kaklaruhin ko ngayon pa lang na wala akong utang kahit kanino, kahit kay Jinkee Pacquiao na kumare ko... Hindi ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera. Sana matapos na po 'yung tsismis na 'yan."
 
Pinatotohanan naman ni Jinkee na walang utang sa kanya si Claudine nang magkomento ito sa Instagram.

"Mare, ipaalam ko lang sa kanila na wala kang utang sa akin. At wala din tayong business. Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love you, mare!" ani Jinkee.

"Wala pong utang si Claudine sa akin. Mahal ka namin, mare! Just pray for them na lang."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Sa kanyang Instagram account ay pinasalamatan ni Claudine si Jinkee sa ginawa nitong paglilinaw.

Ang kapatid ni Claudine na si Gretchen ay nagpasalamat din kay Jinkee sa pagsasalita tungkol sa isyu. 

Sinabi rin ni Gretchen na naniniwala siyang ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie ang nagpakalat ng tsismis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.