Nyoy inspirado sa pagiging 'Tawag' judge

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2017 11:43 AM

MAYNILA -- Inamin ni Nyoy Volante ang saya sa pagiging isa sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan Kids."

Sa panayam niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkules, inamin ni Nyoy na higit pa sa inspirasyon ang naibibigay ng pagiging hurado niya para sa mga batang mang-aawit.

"Actually parang mas fulfilled ka nga, kasi feeling mo parang aside sa dyina-judge mo sila, hurado ka nila, eh may naibabahagi ka sa kanila," ani Nyoy.

"Kasi makikita mo naman sa mga bata na malaki ang potential nila. So maganda na mahulma hanggang maaga," dagdag ni Nyoy.

Maliban sa pagiging "Tawag ng Tanghalan" hurado, bibida din ngayon si Nyoy sa musical na "Kinky Boots" kung saan gagampanan niya ang karakter na si Lola.

"Actually kakaiba ang role ko dito, very challenging. I will be a person in drag... kakaiba 'yan, abangan niyo 'yan," ani Nyoy.

Ipapalabas ang "Kinky Boots" mula June 30 hanggang July 23 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.