PatrolPH

Lovi Poe natuwa sa banner ni Mokang sa 'Batang Quiapo'

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2023 06:43 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

MAYNILA — Tuwang-tuwa ang aktres na si Lovi Poe sa banner ng kanyang karater na si Mokang para sa debut nito sa "FPJ's Batang Quiapo" ngayong linggo.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang mukha ni Mokang na parang nasa lamay imbes na sa kaarawan.

"Kuya @pingmedina, birthday ko kasi di ba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL," ani Poe. 

Sa latest episode ng serye, naghahanda na si Mokang para sa kanyang debut kasama si Chicky (Toni Fowler).

Mahihirapan naman ito sa kanyang pagdiriwang dahil sa kasutilan ni Tanggol (Coco Martin) at ng kanyang mga kaibigan. 

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.