Jessy Mendiola, nagsalita sa isyung lilipat siya sa ibang TV network

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 10:43 AM | Updated as of Mar 28 2019 10:49 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa media conference ng bago niyang pelikulang "Stranded" ng Regal Entertainment, nilinaw ni Jessy Mendiola ang mainit na usapin sa social media na may plano siyang lumipat ng television network.

Ayon kay Jessy, hindi lang siya visible ngayon sa TV kaya ito ang naging simula ng usap-usapan.

"Hindi na ako visible masyado and maybe they are thinking na baka nga I'm trying to move or whatever. But I don't know, we will never know what will happen in the future," aniya.

Pinagkakaabalahan ngayon ni Jessy ang kanyang vlog at online business na kumukuha ng majority ng kanyang oras araw-araw.

"I'm more focused now on my vlog and my business, at least at the same time nakikita pa rin ako ng mga tao. Maybe that's why iniisip nila na lilipat ako, kasi hindi ako nakikita sa TV masyado," aniya.

Pinasalamatan din ni Jessy ang boyfriend na si Luis Manzano sa inspirasyon na binibigay sa kanya na i-push pa ang sarili sa iba't ibang mga bagay na ikauunlad niya at gusto pang gawin.
 
"He gave a different meaning to my life. He made me improve more, he made me want more, but also he taught me not to lose my happiness. Kasi siyempre di ba 'yung ibang tao gusto nilang mag-improve, puro improvement na lang pero hindi sila masaya. Kumbaga mas maganda sana kung balanse, kung sabay. 'Yun ang naituro niya sa akin," aniya.
 
Mapapanood ang pelikulang "Stranded" sa April 10 sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.