Lea inaming na-miss si Sarah G sa 'The Voice'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2017 11:34 AM | Updated as of Mar 28 2017 03:34 PM

MANILA -- Busy ngayon si Lea Salonga sa pagsisimula ng "The Voice of the Philippines" teen edition.

Makakasama ni Lea bilang coach sina Bamboo, Sharon Cuneta at ang nagbabalik na si Sarah Geronimo.

Aminado si Lea na na-miss nila si Sarah.

"I think the year away did a lot of good for her. We missed her and it's good to sit beside her this season. Her energy is just so infectious and bubbly and entertaining," ani Lea.

Bilang international at award-winning stage actress, nagbigay reaksyon si Lea sa magkahalong reviews na nakukuha ng multi-awarded musical na "Miss Saigon"na muling itinanghal sa Broadway.

Bilang isa sa originl cast, apektado si Lea sa ilang bad reviews na natatanggap ng palabas.

"As a member of the original company and in any production of that show is that I want it to be successful kasi damay lahat eh, whether you are in the original company anywhere in the world ... You are carrying on a legacy," ani Lea.

Challenging man ito sa bagong "Miss Saigon," naniniwala si Lea na world-class pa rin ang kanilang pagtatanghal, lalo pa't maraming mga Pinoy ang kabilang dito.

"I've got so many friends in that production too, so when I read a less than favorable review -- and a few did come in it -- kinda makes me feel like, yeah but the thing about a review its subjective."

Umaasa si Lea na gaya ng original production ng "Miss Saigon," muli itong aani ng mga parangal, na magbibigay daan para makilalang muli ang talento ng mga Pinoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.