Sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Marso 27, 2023. ABS-CBN.
Kasama na rin sina Mama Loi at Dyosa Pockoh bilang bahagi ng cast ng "FPJ's Batang Quiapo."
Sa episode ng serye ngayong Lunes, umentrada ang mga komedyante bilang magkumare na nais maka-iskor sa mga boys sa Quiapo.
Tinangka nilang lokohin si Tanggol (Coco Martin) pero nahalata agad ng bida na taga-Quiapo rin ang dalawa.
Akala naman ng dalawa ay makakaiskor sila sa mga taga-Tondo pero agad silang binigwasan ng mga ito para nakawan.
Kilala sina Mama Loi at Dyosa Pockoh bilang mga kasama ni Ogie Diaz sa kanyang mga vlog para kuhanin ang kanilang mga komento hinggil sa mga latest updates sa showbiz.
Samantala, naghahanda naman si Mokang (Lovi Poe) para sa kanyang debut habang pinagbibintangan ni Roda (Joel Lamangan) si Tindeng (Charo Santos) na mastermind sa pagnanakaw sa kanyang bahay.
Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
KAUGNAY NA ULAT:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.