PatrolPH

'Natural high,' hatid ng bagong awitin ni Shanti Dope

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 12:13 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Matapos pasikatin ang awiting "Nadarang," may bagong handog na single ang Pinoy rapper na si Shanti Dope sa kanyang mga tagahanga.

Sa pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, nagbahagi si Shanti Dope tungkol sa bago niyang awitin na "Amatz." 

"Sobrang grateful ko po kasi sa huling project na inilabas ko, 'yung 'Nadarang,' 'yung materyal kumbaga sobrang successful niya. Kaya simula noon, mas minahal ko pa ang ginagawa ko. Kaya itong 'Amatz' tungkol siya sa pagkakaroon natin ng 'natural high' sa kanya-kanyang passion natin," aniya.

Dagdag niya: "Kaya dito po sa kanyang ito, [dito] ko nailabas kung ano ang tama ng musika sa akin."

Ayon kay Shanti Dope, may iba pa siyang mga awiting nagawa at hinihintay na lamang niya ang tamang oras para ilabas ang mga ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.