Pokwang, iginiit ang halaga ng panalangin at pamilya

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 02:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Higit isang linggo matapos isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon, binigyang diin ng komedyanteng si Pokwang ang kahalagahan ng pagdarasal at oras para sa pamilya.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, kasama si Fr. Tito Caluag, ibinahagi ni Pokwang ang pananaw sa nangyayaring pagsubok sa bansa dala ng coronavirus (COVID-19).

“Para bang sinabi ni God na ‘mga anak, stop, stop muna.’ Can you imagine, nahinto lahat. Siguro nakikita Niya na masyado na tayong busy. It’s about time na ako naman muna, parang ganun. Ang daming nahinto, maging ang importanteng trabaho. It’s about time na pagsama-samahin natin ‘yung mga dasal natin para roon sa mga lumalaban sa mga virus na ito, especially sa frontliners natin. Ako, nerbiyosa ako kaya dasal ako nang dasal. Ngayon mas dumoble talaga, hindi lang para sa sarili ko, sa pamilya ko kung hindi para sa lahat nang may pinagdadaanan ngayon, buong mundo. Dapat talaga kung naging madasalin tayo kung puwede sana ay triple pa natin,” ani Pokwang

“Para sa akin ito ang panahon. Sana hindi pa huli ang lahat. Sa pamilya natin, alamin natin kung ano ang pagkukulang natin sa isa’t isa. Eto na ‘yon magnilay-nilay tayo. Magsabi ng ‘sorry, mama,’ ‘sorry, anak,’ ‘sorry, tatay,’ ‘sorry, everybody.’ Kung nahihirapan tayo na magsabi ng I love you, it’s about time, bumawi na tayo, ito na ‘yon. Parang inano tayo ni God na mag-stop kayo. Alamin niyo ang nangyayari sa paligid niyo, sa pamilya niyo,” dagdag ni Pokwang.

Isa si Pokwang sa mga artistang naunang nagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa frontliners, matapos ideklara ang lockdown.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.