‘Corona Bye Bye Na,’ bumida sa pagbabalik ng Showtime’

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 06:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Bumida ang pinakabagong single ni Vice Ganda na “Corona Bye Bye Na” sa pagbabalik ng “It’s Showtime” nitong Huwebes.

Higit isang linggo matapos ipatigil ng ABS-CBN ang live entertainment shows tulad ng “It’s Showtime” bilang pagsunod sa enhanced community quarantine dahil sa coronavirus (COVID-19), muling nagsama-sama ang mga host ng “It’s Showtime” mula sa kani-kanilang tahanan.

Sa kanilang pagbabalik, bumida agad “Corona Bye Bye Na” na unang ipinalabas noong Linggo, Marso 22, bilang parte ng “Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert.”

“Ilang araw din tayong hindi nagkasama-sama, ilang araw tayong hindi nagkita-kita, nagre-replay tayo. Siyempre nalungkot tayo dahil ilang araw tayong hindi nagkasama, pero ngayon magkapiling tayo. 'Di man tayo nagkakaabutan pero live na live ay nagkikita ulit tayo ngayon,” ani Vice.

“Sabi nga namin ay gagawa kami ng paraan para mapasaya namin kayong nasa tahanan,” dagdag ni Vhong.

Agad nag-trending ang “Corona Bye Bye Na” at naging dance challenge sa programa.

Dalawang pamilya ang nagwagi sa dance challenge sa pamamagitan nang pagpapadala nila ng kanilang entry sa “It’s Showtime.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.