Andrea Brillantes, aminadong nami-miss na si Seth Fedelin

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 12:12 PM

MAYNILA — Higit isang linggo matapos isailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon, aminado si Andrea Brillantes na miss na niya ang kanyang ka-love team na si Seth Fedelin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

Sa Instagram, ibinahagi ni Andrea ang larawan nila ni Seth sabay ang pag-amin na hinahanap-hanap niya na ito.

“Miss ko na kayong lahat, lalo na 'tong isa. Stay safe guys, lilipas din to,” ani Andrea sa caption.

Matatandaang sa seryeng “Kadenang Ginto” nabuo ang tambalan nina Seth at Andrea o SethDrea.

Sa nakaraang panayam, ibinahagi ng dalawa na patuloy pa rin silang magkakasama sa mga bagong proyekto at bilang bahagi ng “Gold Squad” kasama sina Francine Diaz at Kyle Echarri.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.