TFC News

‘Teen Clash’ mapapanood na sa Pilipinas at overseas

TFC News

Posted at Mar 23 2023 11:17 AM

MANILA - Nagsimula na ang free streaming ng mga bagong episodes ng coming-of-age original series ng iWant TFC nitong March 17.

Siguradong makaka-relate sa kwento ang Pinoy Gen Zs saan man silang panig ng mundo. Pinagbibidahan ng up-and-coming young stars na sina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson Ang ‘Teen Clash.’

90

Ito ay halaw sa sikat na Wattpad story ni Ilyn Anne Danganan, na isang coming-of-age story tungkol sa pagkahumaling ng isang teen sa barkada sa musika at kanilang hangaring marinig ng mundo.

Sa Global Mediacon kamakailan, pahapyaw na sinabi ni Aljon na kakaiba ang istorya ng ‘Teen Clash’ kaysa sa mga nakasanayang teen oriented series noon.

456

“More edgy, rebellious ang mga character dito at the same time real, nangyayari sa totoong buhay, sa school, shini-share nila yung same struggles sa teenagers na nararanasan ngayon ng mga kabataan,” saad ni Aljon “Ice.”

Bukod sa musika at drama, sesentro din ang istorya sa mga kilig moments.

“Something new with this project is that Fana is part of a love triangle. With Teen Clash, we keep supporting each other and push each other to the limit” sabi ni Kobie Brown “Josh.”

112

Punong-puno ng istorya ng musika, romance, pagkakaibigan at self-discovery ang ‘Teen Clash.’

Makikila sa serye si Jayda bilang Zoe, isang aspiring musician na gustong makasali sa music jam ng kanilang paaralan upang mabura ang kanyang naranasang kahihiyan noon.

Sa kanyang pagpupunyagi, nakilala niya ang songwriter na si Ice, na ginagampanan ni Aljon, na potential lover ni Zoe at tutulong sa kanyang ambisyong maging musikera.

Bida rin sa serye si Markus, na ginagampanan naman ni Jude, isang sikat at established na rockstar at dating singing partner ni Zoe.

Bukod kina Ice at Jude, magku-krus din ang landas ni Zoe at kanyang bagong college classmates na tulad niya, gusto ring sumikat at makilala sa music industry.

Nakilala ni Zoe ang kanyang mga bagong kaibigan at bagong bandmates na sina Yannie (Bianca de Vera), isang talentadong babaeng hindi maka-move on mula sa kanyang on-and-off relationship kay Xander (Zach Castañeda); si Ayumi (Gail Banawis), matalinong kaibigan ni Zoe na karibal ni Ken (Ralph Malibunas) para sa top honors ng kanilang klase.

Kasama rin si Sab (Fana) ang kwelang kaibigan ni Zoe, na maiipit sa isang love triangle; at si Mandy (Andi Abaya), ang fan girl ng grupo. Makikigulo rin ang iba pang ‘clashmates’ na sina Josh (Kobie Brown) ang hopeless romantic teen at si Lloyd (Luke Alford), ang childhood bestfriend ni Ice.

Ang kanilang buhay masaya, kumplikado, may konting lungkot pero sa huli, naayos naman ang gusot. Bagamat kumplikado ang kanilang roles, gusto pa rin nilang maging role model sa kanilang kapwa kabataan.

“Bilang kabataan, it’s also our job to set the example sa mga nanonood sa amin kasi people look up to us,” sabi ni Bianca “Yannie.”

Kapupulutan ng aral tungkol sa pagkakaibigan, pag-ibig at musika na kagigiliwan ng Gen Z crowd at kanilang Gen Y na mga ate at kuya at kanilang mga magulang na Gen Xers.

“We have something different to offer, this is our offering to the Philippine entertainment industry and we hope everyone enjoys it and all our Kapamilyas abroad as well. I hope you all enjoy it” sabi ni Jayda o “Zoe”.

Ang ‘Teen Clash” ay dinerehe ni Gino M. Santos at produksyon ng iWantTFC at Black Sheep. Libre itong napapanood sa iWant TFC sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo mula noong March 17.

May bagong episodes kada Biernes, alas-otso ng gabi (Manila time).

Para sa updates, bisitahin lang ang www.facebook.com/iWantTFC, i-follow ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.

PANOORIN ANG TRAILER: