Batang singer mula Cebu, nanatiling 'Tawag Kids' champ

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2017 04:02 PM | Updated as of Mar 24 2017 10:31 AM

MAYNILA - Si Sheena Belarmino mula Cebu ang nanatiling kampeon sa "Tawag ng Tanghalan Kids."

Nitong Huwebes, nagawang depensahan ni Sheena ang ginintuang mikropono para sa pag-awit niya ng "I Am Changing" na pinasikat ni Jennifer Hudson.

Nakatanggap si Belarmino ng score na 96.2% mula sa mga hurado.

Nakatakdang bumalik si Belarmino sa "It's Showtime" sa Biyernes para depensahan ang kanyang titulo. 

It's Showtime, Marso 23, 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.