PatrolPH

'FPJ's Batang Quiapo': Tindeng lumaya na sa tulong ni Tanggol

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2023 09:56 PM

ABS-CBN
Nakalaya na si Tindeng (Charo Santos) matapos siyang piyansahan ni Tanggol (Coco Martin) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Marso 21, 2023. ABS-CBN.

Nakalaya na si Tindeng (Charo Santos) matapos siyang piyansahan ni Tanggol (Coco Martin) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes.

Gumawa ng paraan si Tanggol na maibigay ang piyansa nang hindi nakikita si Rigor (John Estrada) matapos niyang bugbugin si David (McCoy de Leon). 

Nagboluntaryo ang isang kaibigan ni Tanggol na i-abot ito sa kulungan kaya't tuluyan nang nakalaya ang lola sa pagkakakulong. 

Matatandaang ninakawan ni Tanggol si Roda (Joel Lamangan) para mapiyansahan si Tindeng matapos nakawin ni David ang kanyang ipon.

Sumama ang tropa ni Tanggol at nag-akyat bahay para makakuha ng pangpiyansa ng kanyang lola. Bukod sa wallet, kinuha rin ng bida ang mga alahas at relo ni Roda para sa kanyang mga kaibigan.

Samantala, sasamahan naman ni Chicky (Toni Fowler) si Mokang (Lovi Poe) para bumili ng mga gamit nito para sa kanyang debut. 

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.