PatrolPH

'PBB': Teen housemates bigo sa unang weekly task

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2022 11:24 AM

Larawan mula sa Pinoy Big Brother Twitter account
Larawan mula sa Pinoy Big Brother Twitter account

MAYNILA — Bigong masungkit ng teen housemates ang natitirang stars para mapagtagumpayan ang kanilang unang weekly challenge. 

Para sa kanilang weekly task, kinakailangan ng mga teen housemates na makakolekta ng 10 stars mula sa iba't ibang hamong ibibigay sa kanila

Bago tuluyang makapasok sa Bahay ni Kuya, nakakolekta ang dalawang camps ng 7 stars.

Binigyan ni Kuya ang teen housemates ng pagkakataon para makuha pa ang natitirang stars.

Sa kanilang huling hamon, kailangang magkakadikit ang teen housemates at mapatong ang tatlong bola sa kani-kanilang pole.

Matagupmay na nalagay ng teen housemates ang dalawang bola ngunit kinapos sila ng oras para mapagtagumpayan ang weekly task. 

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.