Awra, inaming nami-miss ang dating buhay

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 01:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kahit kakabili pa lang niya ng bagong van para sa pamilya, inamin ni Awra Briguela na minsan ay na-mi-miss din niya ang dati niyang buhay.

"Minsan nalulungkot ako kapag nami-miss ko 'yung dati kong buhay," ani Awra Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Saka 'yung dati kong mga ka-close, 'yun nalulungkot ako," dagdag ni Awra na nagsimulang makilala dahil sa kanyang mga nakakatuwang viral videos.

Pinasok niya ang showbiz bilang isa sa mga batang aktor ng sikat na seryeng "Ang Probinsyano."

Kasama ang mga host ng "Magandang Buhay" at ilang pang Kapamilya child actors, naging game naman si Awra sa simbolikong pagtapon ng kanyang lungkot sa Cemetery of Negativism sa Camp John Hay sa pagbisita nila sa Baguio City.

Sa nasabing tourist spot, maaring ilibing o ilabas ng mga bumibisita ang kanilang sama ng loob at iba pang pinoproblema.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.