Ria Atayde, napaiyak ng kanyang lolo

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2017 01:32 PM

MANILA -- Hindi na kinaya pa ng aktres na si Ria Atayde na pigilan ang pag-iyak nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang lolo na si Ramon Atayde Sr. na tinatawag niyang Papito.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, na-surpresa si Ria nang pumayag ang kanyang lolo na bumisita sa morning show para sa kanya.

Maliban sa suporta ay labis ang pasasalamat ni Ria sa kanyang lolo sa pagmamahal nito sa kanya at sa buong pamilya.

Pag-amin ng aktres na kahit pakiramdam niya ay binigo niya ang kanyang lolo sa desisyon niyang pasukin ang showbiz ay sinuportahan pa din siya nito sa kanyang nais gawin.

"Noong nag-artista kami I felt like I may have let him down pero to see that he is actually very proud -- when he sees me on TV, 'oh you are doing what you like' yung ganoon -- it's just so nice. I am really thankful for all the support, for the love, kasi mula po noong bata pa ako palagi siyang nandiyan naka-suporta, from education, from the simple luxury of life, the travel, to be able to do whatever that it is that I want to, palagi po siyang naka-suporta and I will always and forever grateful," ani Ria.

Para naman sa lolo ng aktres, suportado niya ang karerang pinasok ng apo.

"For Ria, she's very much in love with her career. When she was still young, she would say she would be an actress. When she went to school that was not possible but now that she finished school, it's possible and I would encourage her to pursue it aggressively because not only she's pretty but she's also very intelligent. It helps to be intelligent then you can do many things and you can imagine to do a lot of things much more that you could do now," ani Papito sa kanyang apo.

Sa ngayon ay parte si Ria ng seryeng "My Dear Heart," na pinapalabas pagkatapos ng "Ang Probinsyano."