FULL VIDEO: Melissa Mendez cries over offloading incident

By Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2015 06:57 PM | Updated as of Mar 22 2015 04:44 AM

Hindi matigil ang pag-luha ng aktres na si Melissa Mendez sa kahihiyan na naranasan Biyernes ng umaga.

Sa Instagram post ng model-rugby player na si Andrew Wolff, pinakita sa video si Mendez at sa caption sinabi nitong nag-wala umano ang aktres sa Cebu Pacific flight 5J711 papuntang Pagadian, dahil pinapaalis siya sa reserved seat nila ng kaibigan na nakilalang si Rey Pamaran.

Nagpost din si Pamaran sa kanyang Facebook account at sinabing kaliwa’t kanan daw ang pagmumura ni Mendez nang pinapaalis siya sa reserved seat ni Pamaran.

Salaysay ni Pamaran: “Upon getting to my reserved seat 1A actress Melissa Mendez was seated there. She was politely asked to transfer to row 2 because that seat was already reserved. She immediately flared up and caused a big scene, shouting invectives at me and cursing me left and right."

Sa ekslusibong panayam kay Mendez, sinabi nitong binantaan siya ni Pamaran na hahampasin siya sa mukha ng bag kung hindi ito aalis sa silya niya.

Ayon kay Mendez: “Ang seat ko 2C and friend ko 1C. Sabi ko, wala pa naman so doon muna ako. Mesmerized ako sa clouds. Nung dumating na si Andrew and his friend, ‘Pwede dito muna ako?’ Then pag take off, ‘Binayaran namin ‘yung upuan na ‘yan! Pag hindi ka umalis hahampasin ko mukha mo ng bag ko!’

“Lalaki siya! So nagulat ako... Siyempre nag-react ako, tumayo ako. At the top of my voice talagang nagalit ako na na-threaten niya ako hampasin niya mukha ko ng bag niya. I was so offended! Sabi ko sa kanya, ‘Napakasimpleng bagay, hahampasin mo mukha ko? Sige uupo na ako sa silya ko pero wag ka ganyan magsalita sa akin!’”

Komprontasyon

Nang mag-take off ang eroplano, kinausap daw ni Mendez ang stewardess kung puwede niyang maka-usap si Pamaran para makipag-ayos. Doon na raw siya sinigaw-sigawan ni Pamaran, binastos at sinabihang mabaho ang hininga.

“Umupo na ako sa seat ko pero salita pa siya ng salita, ayaw tumigil, ‘Pagdating ng Pagadian, humanda ka sa akin,’” sabi ni Mendez. “I have to talk to him para maayos, kalma lang… I went to him. I said, ‘Bakit naman ganun ka magsalita?’ ‘Lumayo ka sa akin,’ gumaganyan siya. ‘Ang baho mo, bad breath ka! Baho ng hininga mo. Wala kang pinag aralan!’”

Bersyon naman ni Pamaran na isinalaysay niya sa Facebook: “Midway thru the flight, she got up again and started shouting at me she was reeking with alcohol and had very bad breath! I told her to calm down get some mouth wash then we can talk. Then she PUNCHED me in the face!”

Dagdag naman Wolff sa Instagram: “She smelled like a beer brewery! She punched my friend and the flight attendants and had to be restrained!”

Ngunit paglilinaw ni Mendez, hindi raw totoong nakainom siya ng alcohol.

“Of course not, hindi ako umiinon! Maaga pa lang, tulog na ako. Nag-ju-juicing ako -- sugar beets, apple, papaya, watermelon. Medyo may amoy ‘yung sugar beets.”

Emosyonal niya pang pahayag tungkol kay Pamaran: “Kalalake niyang tao para sabihan niya ako na hahampasin niya mukha ko ng bag niya. Sana si Andrew, sana nag-mediate siya, Dinisown pa niya ako, hindi daw niya ako kilala.”

 

A video posted by Andrew Wolff (@andrewwolff_) on

 

A video posted by Andrew Wolff (@andrewwolff_) on

 

A video posted by Andrew Wolff (@andrewwolff_) on

Humihingi naman ng paumanhin si Mendez sa lahat ng naabalang pasahero sa flight kanina. Nilinaw din niyang hindi totoo ang kinakalat na balitang kakasuhan siya o banned siya ng Cebu Pacific.

“Sorry sa lahat ng nakasakay sa flight na ‘yun, hindi ko po sinasadya. Tao lang po ako,” aniya. “Kung pagsabihan kayo ng lalaki, pagsabihan kayo, ‘Mag-toothbrush ka, wala kang modo, umalis ka sa harapan ko!’ Doon nagpantig taenga ko, nagalit talaga ako. Sorry kung nasaktan ko siya, nag-react ako sa ginagawa niya sa akin.”

Cebu Pacific, kinumpirma ang insidente

Kinumpirma naman ng Cebu Pacific ang insidente na nangyari Biyernes ng umaga, pero hindi direktang sinabi kung kakasuhan nito si Mendez.

Pahayag ng airline: “Cebu Pacific flight 5J 771 Manila-Pagadian returned to Manila shortly after take off today, March 20, 2015. The flight returned to Manila due to a reported unruly passenger. The unruly passenger was offloaded from the flight. The flight departed Manila at 9:20AM and arrived at 10:37am in Pagadian on the same day. CEB is coordinating with authorities regarding the incident.”

Dagdag pa nito: “Under the Revised Penal Code of the Philippines and the Civil Aviation Authority Act of 2008, it is illegal to behave in a manner that is threatening to crew members and passengers. Anyone who violates the law will be intercepted by the police upon landing. Anyone found guilty of violating the law may be liable for a fine of up to Php 500,000 and/or 3 years of imprisonment.”

Nakausap ng ABS-CBN News si Pamaran at pinabulaan ang mga sinabi ni Mendez. Pinanindigan niyang lasing ang aktres noong sumakay ng eroplano. Magsasampa raw siya ng kaso laban kay Mendez pag-balik niya ng Maynila.

“Hindi totoo ang mga sinabi niya. Lasing silang magkakaibigan nung sumakay ng eroplano, maingay lahat silang magkakaibigan pag-pasok pa lang ng eroplano. Magsasampa talaga ako ng kaso,” sabi ni Pamaran.