Janine Berdin binalikan ang mga naabot matapos manalo sa ‘Tawag ng Tanghalan’

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2021 05:29 PM

Janine Berdin binalikan ang mga naabot matapos manalo sa ‘Tawag ng Tanghalan’ 1
Galing mula sa Instagram ni Janine Berdin

Halos tatlong taon nang manalo sa “Tawag ng Tanghalan” sa noontime show na “It’s Showtime,” tuloy-tuloy ang naging karera ni Janine Berdin sa mundo ng showbiz lalo na sa industriya ng musika. 

Sa isang panayam sa Star Magic kung saan kabilang na rin si Berdin, sinabi ng mang-aawit na maraming oportunidad at biyaya ang dumating sa buhay niya simula nang makilala sa singing competition. 

Pagbabahagi nito, nakapagpaayos na siya ngayon ng kaniyang tinitirhan sa Maynila bukod pa sa nakakatulong sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid sa edad lamang na 19. 

“Yung pagka-renovate ng condo ko here sa Manila. Sobrang hindi ko in-expect na I get to do it at this age and that I get to help my family din to pay the bills and everything. And I get to help my brothers go to school,” ani Berdin. 

Nakapunta na rin siya sa iba’t ibang bansa dahil sa kaniyang talento kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa mga sumusuporta sa kaniya. 

“Isa din po ‘yung nakapag-travel ako because of singing to places na I’ve never been to. Like first time ko pong nakapunta ng Dubai ‘cause of singing. Nakapunta na din po ako sa US because of singing,” kuwento ng TNT Season 2 champion. 

Masaya rin aniya siya na mapabilang sa talent agency ng ABS-CBN ngunit nakakaramdam din ng nerbiyos dahil sa mga malalaking pangalang nakakabit sa Star Magic. 

“Ibang-iba po ‘yung feeling dahil ‘pag naririnig po kasi ng mga tao ‘yung words na Star Magic, parang agad agad na ‘Wow, ‘yung best of the best. Iba po ‘yung feeling na kasali po ako sa family n’yo,” pag-amin ni Berdin. 

“Honor po 'yun at saka responsibility din syempre dahil kailangan ko pong i-prove na deserve ako to be part of this amazing family.”

Napapanood tuwing Linggo sa “ASAP Natin ‘To” ang mang-aawit na inalala rin ang kaniyang unang salang sa show isang araw matapos manalo sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Naaalala ko pa po 'yung first ko na salang sa 'ASAP.' Hindi pa po ako nagpe-perform as a mainstay no'n. The day after I won po nun sobrang ibang-iba po kasi iba 'yung pressure 'pag nasa contest tapos iba rin po kapag you're gonna perform in the country's No. 1 variety show,” tugon ni Berdin. 

RELATED VIDEOS:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC