Tanong kay Kaye Abad: Nagkita na ba sila ni John Lloyd sa Cebu?

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2019 05:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on

MANILA -- Inamin ni Kaye Abad na hindi pa sila nagkikita ng dating nobyo na si John Lloyd Cruz na napabalitang nakatira na rin sa Cebu.

Sinasabing naninirahan ngayon sa Cebu si John Lloyd kasama ang nobyang si Ellen Adarna, samantalang taga-Cebu rin ang napangasawa ni Kaye na si Paul Jake Castillo.

Sa press conference ng seryeng "Nang Ngumiti Ang Langit" nitong Martes, sinabi ni Kaye na kahit magkaibigan ang kanyang asawa at si Ellen ay hindi pa rin sila nagkikita ni John Lloyd.

"Palagi naman akong nasa labas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ang daming nagtatanong niyan pero hindi pa kami nagkikita rin," ani Kaye.

"Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami kasi maayos na ang mga buhay namin," dagdag ng aktres.

"Hindi na kami in touch ni Lloydie. Si Ellen and si Paul Jake, friends sila pero hindi naman barkada talaga na like they hang out," dagdag ni Kaye.

Ayon kay Kaye huling komunikasyon niya sa aktor ay noong nobya pa nito si Angelica Panganiban.

Ayon kay Kaye, masaya siya sa nangyayari ngayon sa aktor at sa desisyon nitong magpahinga muna sa showbiz.

"Kasi may anak na rin siya, kumbaga lahat kami ay may pamilya na," ani Kaye na inaming hindi siya nasorpresa sa naging desisyon ng aktor.

"Kasi before pa alam ko na siya 'yung tipong kapag okay na siya, ay okay na siya. Alam niyang hindi ito ang gagawin niyang pangkabuhayan. Kumbaga nakaipon na siya, gagawa siya ng business. Hindi 'yung pag-aartista ang gagawin niyang source of income," paliwanag ni Kaye.

Nagkasama sina Kaye at John Lloyd sa ABS-CBN teen drama na "Tabing Ilog" na nagtapos noong 2003.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.