DUBAI - Game na game na humarap noong March 17 ang mga Kamilya artists na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at host Eric Nicolas sa media, vloggers at social media influencers para sa media conference ng kanilang G! Kapamilya concert sa Movenpick Hotel sa Dubai.
Ang concert nila sa Abu Dhabi ang pinakahuling yugto ng kanilang concert series matapos ang matagumpay na pagtatanghal nila sa Barcelona at Milan kamakailan.
Ayon kay Daniel Padilla nabuo ang konsepto ng concert dahil sa videoke-session nilang tatlo nina Joshua at Zanjoe. Sa bahay pa mismo ni Zanjoe sila nag-eensayo. Kitang-kita ang excitement ng grupo. Bagama’t hindi sila nagpaunlak ng pa-sample, siniguro naman nila na level-up performance ang aasahan ng mga manonood.
Excited din ang grupo na mamasyal sa iba-ibang attraction ng UAE. Bukas naman ang grupo lalo na ang tambalang KathNiel sa posibilidad na magkaroon ng pelikula na kukunan sa Dubai o Abu Dhabi.
Matapos ang Media Conference, dumiretso ang grupo sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi kung saan malugod silang tinanggap ng bagong talagang ambassador na si Alfonso Ver.
“Masaya tayo na nagkikitakita, nanonood ng show, lalo na kung mga Filipino talent. Ang mga hinahangaan natin sa Pilipinas ay nandito live in person. At dahil nga napakaganda ng sitwasyon rito pwede na ang mga live and in person events. We will have a chance to meet them in person, see them perform, at masaya tayo sa ganyan. So thank you very much to TFC for making this happen again and we wish you all the best and hopefully you can bring even more Filipino world-class talent to Abu Dhabi and Dubai and the entire UAE,” pahayag ni Ambassador Ver.
Para sa mga nagbabagagang balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: