PatrolPH

Birthday greeting ni Maris Racal kay Rico Blanco usap-usapan ng netizens

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 10:04 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Usap-usapan ng netizens ang birthday greeting ng aktres na si Maris Racal sa musikerong si Rico Blanco sa ika-48 nitong kaarawan. 

Sa Instagram post, isinama ni Racal ang video ng duet nila ni Blanco kung saan kinakiligan ang tinginan ng dalawa.

Mas uminit pa ang espekulasyon nang mag-reply si Blanco ng "love you" sa 23-year-old actress.

Nag-react naman sa post ang ilang taga-showbiz gaya ni Direk Antoinette Jadaone, na inakalang may kiss ang dalawa sa dulo ng duet.

Tanong tuloy ng netizens kung may relasyon ba ang dalawa.

Kasabay nito, naungkat ang tweet ni Racal noong 2017 kung saan tinanong niya sa sarili kung kailan mapapanood mag-perform si Blanco nang live.

Kalaunan ay nag-collaborate na ang dalawa nang isulat nila ang awiting "Abot Langit."

Hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon ang dalawa kaugnay sa ugnayan nila.

—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.