PatrolPH

'Batang Quiapo': Tanggol, napuno na sa kapatid na si David

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2023 03:19 PM

MAYNILA -- Trending at pinag-usapan ang matinding eksenang naganap sa "FPJ's Batang Quiapo."

Sa ika-23 episode ng "Batang Quiapo" na nilabas nitong Miyerkoles, naging mainit ang tagpo nang tuluyang maubos ang pasensiya at turuan na ng leksiyon ni Tanggol (Coco Martin) ang kapatid nitong si David (Mccoy de Leon).

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Hindi na napigilan ni Tanggol ang magalit sa kapatid nang malaman nito ang ginawang pagnanakaw sa perang iniipon niya at sanang gagagamitin para matubos ang lola nilang si Tindeng (Charo Santos) na nakakulong dahil sa mga kasong isinampa ni Roda (Joel Lamangan).

Matapos na mabugbog ang kapatid, hindi naman napigilan ni Marites (Cherry Pie Picache) na palayasin ang anak nitong si Tanggol. 

Samantala, hindi rin napahuli ang eksenang nagpapakita ng galit ni Rigor (John Estrada) kay Tanggol nang makita nitong bugbog-sarado si David.

Sa social media post ng Dreamscape Entertainment, nagtala ang nasabing episode ng 291,617 concurrent viewers. 

Sa microblogging site na Twitter, pinag-usapan din ang episode nang maging trending topic ang mga hashtags na #FPJBQTuluyan, Batang Quiapo,Tanggol at iba pa. 

Samantala, nitong Huwebes ng gabi, hindi na rin napigil ni Tanggol ang sarili na sugurin ang bahay ni Roda dahil sa ginawa nito sa kanyang lola Tindeng.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
 
Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.