PatrolPH

PANOORIN: Kulitan nina Daniel, Zanjoe at Joshua sa Dubai

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2023 02:04 PM

Ikinatuwa ng netizens ang masayang kulitan nina Daniel Padilla, Joshua Garcia at Zanjoe Marudo sa loob ng isang van sa Dubai.

Sa video na ibinahagi ng Star Magic nitong Huwebes, makikita ang tatlong magkakaibigan sa loob ng isang sasakyan kung saan nagkunwaring reporter si Padilla na tila kausap pa si "Kabayan."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Naging game naman sina Garcia at Marudo habang inimbitahan ang mga kababayang Pilipino sa Abu Dhabi na panoorin ang kanilang concert.

"Binabati ko ang nanay ko sa Batangas, hello, Ma. At saka 'yung tatay ko, nasa TV na ako," ani Garcia.

"Hello mga Kapamilya, dito na kami sa Dubai magkita-kita po tayo sa Abu Dhabi," hirit naman ni Marudo. 

Maliban sa tatlo, makikita rin ang pagsakay sa kulitan ng komedyanteng si Eric Nicolas.
 
Matapos ang kanilang concert sa Italy, nakatakda naman magtanghal sina Padilla, Garcia, Marudo at Kathryn Bernardo sa Abu Dhabi National Theatre para sa G! Kapamilya ngayong Marso 18.

Related videos:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.