Marhaba Dubai!
Dumating na sa Dubai ngayong umaga ang Kapamilya Stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia kasama si Eric Nicolas para sa G! Kapamilya concert na gaganapin ngayong March 18 sa Abu Dhabi National Theatre.
Matiyagang naghintay at masayang sinalubong ang grupo sa Dubai International Airport Terminal 3 ng Dubai-based solid fans club ng tambalang KathNiel na Ka-DREAMERS at ng Grupong KB BUDDIES na fans club naman ni Kathryn.
Excited na ang lahat sa UAE sa para sa G! Kapamilya ngayong Sabado matapos ang matagumpay na concert ng grupo sa Barcelona at Milan.
Abangan ang buong detalye sa TFC News at TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: