Pokwang, K Brosas, at Pooh, may awit-pasasalamat kay Chokoleit

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2019 12:17 PM | Updated as of Mar 15 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang awit-pasasalamat ang ibinigay nina Pokwang, K Brosas, at Pooh para sa kanilang yumaong kaibigan na si Chokoleit.

Pumanaw si Chokoleit noong Sabado dahil sa pulmonary edema at atake sa puso matapos itong magtanghal sa Abra.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, inawit nina Pokwang, K Brosas, at Pooh ang "Kahit Maputi na ang Buhok Ko," ang paboritong kanta ni Chokoleit.

Ito rin ang huling kantang inawit ni Chokoleit nang magtanghal ito.

Kasama rin sa pagbibigay ng kanilang awit-pasasalamat ang mga komedyante rin na sina Negi at Iyah Mina na pareho ring malapit na kaibigan ng yumaong si Chokoleit. 

Bago matapos ang awitin, hindi na napigilan nina Pokwang at K Brosas ang maluha.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.