Angelica Panganiban bibida sa serye tungkol sa mga 'mapangahas' na tita

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2019 07:17 PM | Updated as of Mar 14 2019 08:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bold o mapangahas ang tema ng bagong serye na pagbibidahan ng aktres na si Angelica Panganiban, kasama ang iba pang bigating aktres, na mapapanood sa streaming application na iWant. 

Pinamagatan ang seryeng "Don't Call Me Tita" sa ilalim ng direksiyon ni Andoy Ranay.

Si Panganiban ang magtatahi sa istorya kasama ang iba pang cast na sina Ice Seguerra, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Joanna Ampil, at Agot Isidro.

"Di ka pa ready? Ready ba kayo?" sabi ni Panganiban. 

Sabi ni Isidro, isa sa bold themes ng proyekto ay ang pagtalakay tungkol sa sensuwalidad ng mga tita.

"Walang censorship. Shocked ako, oh my God," aniya. 

Nagbiro naman ang aktor na si Seguerra na tila dumadalas ang pagganap niya bilang lesbiana. 

"Nata-typecast ako bilang lesbian ha, parang I don't like it," biro ni Seguerra, na isang transgender man.

Natutuwa naman ang theatre actress na si Joanna Ampil na mapabilang sa show.

"I'm really honored that I'm among these amazing women," sabi niya. 

Wala pang petsa kung kailan ipalalabas ang bagong show. 

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.