SB19, iwas muna sa selfie at beso-beso

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Magkakahalo ang reaksiyon ng members ng sikat na male performing group na SB19 dahil postponed ang kanilang major concert sa Araneta Coliseum.

"Since kumakalat nga po ang coronavirus COVID-19 dito sa bansa natin we will be postponing the concert to a later date. Stay safe po tayo lahat 'yung safety precautions po gawin natin lahat para 'di tayo mahawahan ng sakit," ayon sa SB19.

Ikinuwento pa ng SB19 members na sina Sejun, Stell, Ken, Josh at Justin na iwas din muna sila sa hugs at beso-beso ng fans bilang pag-iingat. 

"As prescribed by DOH, 'yun nga sinusunod po namin 'yung precautionary measures. Mas maigi na rin po 'yon, para sa kinakaharap ng bansa natin ngayon. Safety first po," sagot ng SB19. 

Sa ngayon, naghihintay ang SB19 fans kung kailan na magaganap ang major concert ng grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.